Patay ang isang tindero nang bagsakan ng bato sa ulo ng isa nitong kaibigan sa kanilang inuman sa Valenzuela City, nitong Miyerkules ng gabi.

Basag ang bungo ni Ursolo Tanglao, 56, nang matagpuan ang bangkay nito sa gilid ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Sitio Sulok, Barangay Ugong ng nasabing lungsod, dakong 11:00 ng gabi.

Agad namang inaresto ang suspek na si Allan delos Santos sa bahay nito sa Sitio Sulok, Bgy. Ugong.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela police, bago ang krimen ay nag-inuman sina Tanglao at De Los Santos sa bahay ng una.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna umanong umalis sa inuman ang biktima at sinundan ng suspek. Makalipas ang ilang oras, bumalik na sa lugar si Delos Santos at nagpalit ng damit.

Ayon kay Delos Santos, nagalit siya nang hindi magpasalamat ang biktima sa kanyang ama nang ihatid ito sa kanilang bahay.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa.

-Orly L. Barcala