Humantong sa hindi inaasahang trahedya ang masayang overnight swimming ng magkakabarkada sa isang resort sa Novaliches, Quezon City nang malunod ang isa nilang kasama, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Novaliches Police Station 4, kinilala ang biktimang si Ralph Luna, 25, self employed, at residente ng Barangay San Antonio, Quezon City.

Nagpunta umano si Luna, kasama sina Angelo Ormita, Renz Mark Giras, Miguelito Barrera, at JayR Quimco, sa Gloful Resort sa Quirino Highway sa Bgy. Talipapa para mag-outing.

Ayon s a imbestigasyon, nasa kalagitnaan ng inuman ang magbabarkada nang magpaalam si Luna na iihi ngunit hindi na nakabalik.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Makalipas ang halos isang oras ay hinanap na si Luna ng mga kabarkada at ganap na 2:00 ng umaga ay nadiskubre nila sa swimming pool ang nakalutang at bloated nang katawan nito.

-Jun Fabon