Ngayong World Milk Day 2018 ay muling nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Alaska Milk Corporation nitong Biyernes, Hunyo 1. Ito ay ginanap sa iba’t ibang lugar: sa San Pedro-Laguna
Town Plaza, Alaska Plant in San Pedro-Laguna, Rizal Triangle Multi-Purpose Gym sa Olongapo, at sa Alaska head office sa Makati City.
Upang lalong mapalaganap ang magandang epekto ng pag-inom ng gatas at importansiya ng pagkakaroon ng malusog at aktibong pangangatawan ay inilunsad ng Alaska ang “Alaska Takbo and Sayaw”, kombinasyon ng Alaska Gatas for Breakfast dance-exercise at Fun Run. Ito ay inumpisahan sa isang milk toast kasabay ng mga nasa ibang bansa.
Ang World Milk Day ay ipinagdiriwang kada taon, sa layuning bigyang-pansin ang gatas bilang isang global food para sa global health at well-being, na aabot sa lahat ng kultura at bansa.
Bilang nangungunang milk company sa Pilipinas, ang Alaska Milk Corporation ang nangangasiwa sa pagdiriwang ng World Milk Day sa bansa simula pa noong 2011.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.AlaskaMilk.com at i-follow ang @AlaskaMilkPhilippines sa Facebook para sa live updates.