Nauwi sa trahedya ang outing ng magbabarkada nang malunod ang isa sa mga ito sa isang resort sa Rodriguez, Rizal, nitong Linggo ng hapon.

Naisugod pa sa HVille Hospital si Jonathan Cunanan, nasa hustong gulang, ngunit binawian din ng buhay.

Nahaharap naman sa kasong homicide si Solano Sordilla, nasa hustong gulang, nang ihagis nito sa swimming pool si Cunanan.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa Villa Elena resort na nasa Dao Street, Barangay San Jose, sa Rodriguez, bandang 2:00 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una rito, nag-outing ang magbabarkada sa naturang lugar at habang naliligo ay nagkayayaang uminom ng alak.

Sa gitna ng inuman, naisipan umano ni Sordilla na ihagis sa pool si Cunanan at tuluyang nalunod.

-Mary Ann Santiago