Iniulat ng Department of Labor and Employment (DoLE) na may inisyal na 30,000 local at overseas jobs ang iaalok sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, sa Senior Citizens’ Garden sa Rizal Park sa Maynila.

Ang nasabing lugar ay isa sa 19 na Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) site sa buong bansa, na itinatag sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan sa Pilipinas.Ayon sa DoLE-National Capital Region (NCR), makikibahagi sa job fair ang 73 employer (45 local, 20 overseas, at walong ahensiya ng gobyerno) para mag-alok ng 29,751 trabaho.

Karamihan sa local jobs ay sa larangan ng konstruksiyon, transportasyon, at sales.

Para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, bakante ang para sa mga service/hotel worker, general labor/technician, forecourt (petrol filler), butcher, hospital workers, nurses, engineers, labor workers, sales personnel, at karpintero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Mina Navarro