NAGSALITA na si Allison Mack tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa kontrobersiyal na organisasyon o sex cult, ang NXIVM.

Allison

Ayon sa ulat ng Entertainment Tonight, nakasaad sa New York Times na inilathala nitong Miyerkules na isiniwalat umano ng 35 taong gulang na dating Smallville actress na bahagi siya ng pagkakabuo sa branding ritual ng grupo, kung saan nilalagyan ng simbolo o pagkakakilanlan ang kababaihang miyembro, na may inisyal na “K” at “R”, ang initials ng leader ng grupo na si Keith Raniere.

Inilahad ng manunulat na si Vanessa Grigoriadis na noong nakilala niya si Allson, “the actress takes full responsibility for coming up with the DOS cauterized brand.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I was like: ‘Y’all, a tattoo? People get drunk and tattooed on their ankle ‘BFF’, or a tramp stamp. I have two tattoos and they mean nothing,” pahayag ni Allison kay Vanessa, at sinabing “(she) wanted to do something more meaningful, something that took guts.”

Ipinaliwanag din ni Allison kung paano siya sumanib sa grupo dahil hindi siya kuntento sa kanyang career, at hiniling niya umano kay Keith “(to) make her a great actress again.” Inamin din niyang nagre-recruit siya ng ibang kababaihan, “I found my spine, and I just kept solidifying my spine every time I would do something hard.”

Inilathala ang artikulo makaraang makalaya ni Allison matapos magpiyansa noong Abril, kasunod ng kanyang pagkakaaresto dahil sa mga kaso ng sex trafficking, sex trafficking conspiracy at forced labor conspiracy na may kinalaman sa secretive group ni Keith.

Napag-alaman ng ET na ang piyansang itinakda ng federal judge sa Brooklyn para sa kalayaan ni Allison ay $5 million, at siya ay nakalaya ngunit kailangan manirahan kasama ng kanyang mga magulang sa ilalim ng “home detention with electronic monitoring” sa California. Not guilty ang hatol sa kanya hinggil sa kasong sex trafficking.

Iniimbestigahan naman ng FBI ang grupong NXIVM ni Keith. Marso ngayong taon nang inaresto si Keith sa Mexico dahil sa umano’y ginagawang “brainwashed slaves” ang kanyang kababaihang followers, ayon sa ulat ng CBS nang mga panahong iyon.

Ayon sa pahayag mula sa U.S. Attorney’s Office ng Eastern District of New York, nilagyan umano nina Allison at Keith ang kanilang mga biktima ng brand, at pinuwersang gumawa ng sex acts sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na itinaguyod ni Keith.

Kung mapapatunayang nagkasala, maaaring maharap sina Allison at Keith sa mandatory minimum sentence na 15 taon hanggang habambuhay na pagkakakulong.