Patay ang isang welder habang sugatan ang isa pa nang sumabog ang water tank sa loob ng warehouse ng Island Gas Corporation sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Renato Gaspar Martinez, 49, ng 704 C29 Apelo Cruz Street, Barangay 157, Malibay ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa San Juan De Dios Hospital si Felix Angana, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagsabog sa bodega ng Island Gas Corporation sa 137-A Virata St., Bgy. 155, sa Malibay, bandang 9:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nililinis ni Martinez ang naturang tangke nang bigla umanong sumabog na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kabilang sa mga produktong nakaimbak sa lugar ang liquefied petroleum gas (LPG), oxygen, nitrogen, acetylene, at iba pang compressed gas.

-Bella G. Gamotea