Ni NITZ MIRALLES

DISABLED ang comment box ng Instagram (IG) ni Sunshine Cruz, sa post niya tungkol kay Kathy Dupaya, kaya walang makapag-comment nang magpahayag ang aktres ng side niya after ng interview ng ABS-CBN kay Kathy. Si Kathy ang sinasabing Brunei-based Pinay businesswoman na kinasuhan nina Sunshine at Joel Cruz ng estafa.

sunshine cruz

Gayunman, nag-post si Sunshine sa Facebook: “There is always a proper venue/forum to prove everything. Both parties decided to bring this issue sa court. Halos talupan ako ng mga tao now on social media because of her accusations.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Boldstar, user, plastic, manggagamit, etc. Expected that they will hate me after all her stories about our supposed friendship habang nagwawala at umiiyak on national TV. One thing for sure is that wala akong niloko, inutangan, inapi, o kinawawa. Our friendship is different from the business we agreed on Mrs. Dupaya and you know that for a fact.”

May pahabol pa si Sunshine, “Character assassination ang ginagawa mo sa amin at dapat lang na sagutin ang mga paratang mo. May justice to the victims prevail. We just want our hard earned money back. No need for drama.”

Tanong ng mga tao, bakit nagtiwala agad sina Sunshine at Joel, at kasama rin yata si Ynez Veneracion, kay Kathy lalo na at tungkol sa pera? Well, sana lang maibalik pa ang kanilang investment na pinaghirapan nilang kitain.

Anyway, mukhang kumonsulta na ng lawyer si Sunshine, dahil sa isa sa bago niyang post ay sinabi niyang may ka-meeting siyang lawyer. Sinamahan siya sa meeting ng BF niyang si Macky Mathay, at ng manager niyang si Arnold Vegafria.