Tinanggihan ng Sandiganbayan Sixth Division ang omnibus meritorious motion na inihain ni dating Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Al Argosino na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya kaugnay sa extortion ng P50 milyon mula sa 1,316 inarestong Chinese nationals na lumalabag sa immigration laws ng Pilipinas.

Sa kanyang mosyon, humiling si Argosino na ibasura ang kasong paglabag sa R.A. 7080 o batas na nagpaparusa sa plunder dahil ang mga impormasyong nakasaad sa reklamo ay hindi maituturing na plunder offense.

Sinabi ng korte na ang pangongolekta at pagtanggap ng pera nina Argosino at BI Deputy Commissioner Michael Robles ay maituturing na “overt” actions na nagpapahiwatig ng “intention to commit a particular crime.”

-Czarina Nicole O. Ong
Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya