Ikinalugod ng Malacañang ang desisyon ng Kongreso na pirmahan ang final version ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa parehong araw ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

OKAY NA! Binabati ng mga miyembro ng mayorya si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos magkaisang ipinasa ng House of Representatives ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) nitong Miyerkules.

OKAY NA! Binabati ng mga miyembro ng mayorya si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos magkaisang ipinasa ng House of Representatives ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) nitong Miyerkules.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipasa ng Senate at ng House of Representatives ang kani-kanilang bersiyon ng BBL, makaraang sertipikahan ito bilang urgent bill ng Pangulo nitong Martes.

Ayon kay Roque, nalulugod ang Palasyo sa mga bersiyon ng BBL na kapwa ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso bago matapos ang buwan ng Mayo para malagdaan ni Duterte sa Hulyo 23.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We’re pleased that both houses of Congress agreed to come up with a final version of the bill during the break. We’re very pleased that they’re aiming that the President can sign the final BBL on the day of the SONA itself,” ani Roque kahapon.

Nagkakaisang ipinasa ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill 1717 o panukalang BBL, dakong 1 a.m. kahapon, sa 21 pumabor at walang kumontra.

Hindi nakaboto sina Sen. Emmanuel Pacquiao at Leila de Lima.

Una nang inaprubahan ng Kamara ang kanilang bersiyon, ang House Bill 6475, sa botong 227-11 nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, isa sa matitinding sumalungat sa panukalang BBL, na kuntento siya sa pinal na bersiyon ng Kamara.

“I want to make sure that we have a Bangsamoro Basic Law that is just, fair, acceptable, feasible and consistent with the constitution and existing laws. Now many of the issues have been addressed in the substitute bill. Not fully but substantially,” ani Lobregat.

Sa oras na maipasa, buburahin ng panukalang BBL ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) at papalitan ito ng Bangsamoro Autonomous Region.

Sa ilalim ng bersiyon ng Senado, ang Bangsamoro ay mga mamamayan na itinuturing na “natives or original inhabitants of Mindanao and the Sulu archipelago and its adjacent islands and their spouses and descendants.” Sila ay tinutukoy na mga mamamayan ng Pilipinas alinsunod sa Constitution.

Ang Bangsamoro region ay bububuin ng lalawigan sa kasalukuyang ARMM, mga munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa Lanao del Norte. Ang iba pang lungsod, munisipalidad at probinsiya na nais mapabilang sa rehiyon ay sasalang sa plebisito.

Ang Palawan, taliwas sa naunang mga panukala, ay hindi magiging bahagi ng Bangsamoro region at mananatili sa Region 4-B.

Sinabi ni Majority Leader Senador Juan Miguel Zubiri na ang Bangsamoro Police ay nasa ilalim pa rin ng Philippine National Police at sakop ng Armed Forces of the Philippines.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, BERT DE GUZMAN at LEONEL M. ABASOLA