Nagpakamatay umano ang isang barangay chairman sa bahay nito sa Barangay Naguilian Norte, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Saturnino Casue, 49, ng Bgy. Naguilian Norte, City of Ilagan, Isabela.

Napag-alaman na noong Linggo pa natagpuang patay ang biktima, ngunit kahapon lang nakarating ang report sa Isabela Provincial Police.

Sa imbestigasyon, nakarinig umano ng putok ng baril ang misis ni Casue at nang silipin ang pinangmulan ay nakitang duguan ang ulo ng biktima, dakong 5:20 ng madaling araw.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.

-Liezle Basa Iñigo