CLARK FREEPORT – Tulad ng inaasahan, nakopo ni Thai racer Wuttitat “Keng” Pankumnerd ng PTT Lubricants ang kampeonato sa King of Asia Pro Series 2018 drifting championship nitong weekend sa world-class Clark International Speedway.

 IBINIDA ni Thai drifting champion Keng Pankumnerd ang kanyang sasakyan na ginamit sa matagumpay na kampanya sa Philippine leg ng King of Asia Pro Series 2018.

IBINIDA ni Thai drifting champion Keng Pankumnerd ang kanyang sasakyan na ginamit sa matagumpay na kampanya sa Philippine leg ng King of Asia Pro Series 2018.

Sakay ng kanyang 700hp 1978 Green Toyota Corolla KE30 na kargado ng PTT gasoline at lubricants, sumegunda ang 24-anyos Thai star sa beteranong si Daigo Saito ng Japan sa maaksiyong Philippine leg ng prestihiyosong torneo.

Kasama ang mga puntos na nakuha sa unang dalawang leg ng serue sa Bangkok, Thailand, nakamit ni Wuttitat ang titulo tangan ang pinakamataas na puntos overall combine scores.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakamit ni Wuttitat ang unang puwesto at ikatlong puwesto sa unang dalawang leg. Kailangan lamang niyang pumuwesto sa top 8 sa final leg para makamit ang tagumpay.

Sa unang araw ng qualifying round, tumapos na pangatlo si Wuttitat sa likod nina Charles Ng ng Hong Kong at Saito para makausad sa top 32 sa final race.

“We are very impressed of his (Keng) performance and we hope to see him in more international drifting competitions carrying PTT RD -2 Lubricants Team,” pahayag ni PTT Philippines Director for Commercial Fuels and Lubricants Vittaya Viboonterawud.

Samantala, nagpaabot din ng kanyang pagbati si PTT President & Chief Executive Officer Sukanya Seriyothin, sa panalo ni Wuttitat, gayundi sa pagkakapili sa PTT Philippines bilang ‘Employer of the Year’ ng People Management Association of the Philippines.

“We are proud of what you have achieved here in the Philippines, and we hope that you would continue your success in all your races whether in Thailand or abroad. We will always support you being part of PTT RD-2 team,” sambit ni Ms. Seriyothin.

Aniya, patuloy na ipagkakaloob ng PTT ang suporta kay Wuttitat na nakatakda ring sumabak sa mas malalaking torneo sa abroad tulad ng Japan D1 Grand Prix (Tokyo Drift).