Dahil sa masangsang na amoy, nadiskubre ang naaagnas na bangkay ng lalaki sa isang manggahan sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Sa ulat ng Antipolo City Police Station, nadiskubre ang bangkay ng ‘di pa nakikilalang lalaki sa Sitio Pantay, sa Barangay San Jose, dakong 6:00 ng gabi nitong Linggo.

Namimitas umano ng mangga si Concepcion Casano nang makaamoy ng masangsang at nang alamin ang pinagmumulan nito ay tumambad ang bangkay at agad ipinaalam sa kanilang barangay at ini-report sa pulisya, bandang 8:30 ng umaga kamakalawa.

Ayon sa awtoridad, posibleng nasa tatlong linggo nang patay ang biktima dahil halos 75 porsiyento ng katawan nito ay naaagnas na.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktima na isasailalim sa autopsy.

-Mary Ann Santiago