ANG saya-saya ng #LSBPhSizzlingHot episode ng Lip Sync Battle Philippines hosted by Michael V at Iya Villania, last Sunday.

Gabbi Kylie Sanya copy

Unang-una, ito ang hudyat ng pagbabalik-telebisyon ni Kylie Padilla ngayong nine months na ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas, at back to her old form, dahil ang seksi-seksi niya.

Kinarir daw niya ang pagpapabalik sa dating timbang niya, sabi ni Kylie, dahil miss na miss na niya ang showbiz, at si Alas naman ay hindi na gaanong mahirap alagaan ngayon. Sa una niyang pag-appear ay hinamon niya ang kanyang kapwa Sang’gre sa Encantadia na si Gabbi Garcia.

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?

Bakit si Gabbi?

“Kasi po naging very close talaga kami ni Gabbi noong ginagawa namin ang Encantadia almost two years ago na,” sagot ni Kylie. “Siya ang una kong pinagsabihan noon na buntis ako. Saka si Gabbi, nanalo na noon sa LSBPh kaya I dared her na labanan niya ako ngayon.”

Bilang patikim, nag-ala Whitney Houston muna si Kylie.

Sa part two ng competition, nagsayaw si Gabbi kasama ng Sex Bomb Young Generation pero ang panggulat niya ay ang pagpasok ng very sexy ring si Sanya Lopez na ikinagulat din nina Michael V at Iya. Biro ni Kylie nang tanungin kung ano ang masasabi niya na nagsanib-puwersa ang dalawang Sang’gre laban sa kanya: “I felt betrayed.”

Kaya tanong ni Bitoy, sorpresa daw naman kaya ni Kylie na si Glaiza ang isa pang Sang’gre na makakasayaw niya? Sa Encantadia, si Kylie ay si Amihan, si Gabby si Alena, si Sanya ay si Danaya at si Glaiza si Pirena.

Solo nga lang nag-perform si Kylie impersonating Beyonce at tinalo niya this time si Gabbi dahil ang husay-husay ng kanyang performance.

Si Kylie ang tumanggap ng Lip Sync Battle Philippines championship belt. Kaya nag-post agad siya sa IG ng: “My first win. Actually sa totoo lang pakiramdam kong panalo na ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon na maging si Queen B. Sobrang saya ko nakasama ko ang mga kapatid kong mga Sang’gre, sobrang ganda, galing and sexy n’yo. And sobrang namiss ko kayo. @_gabbigarcia @sanyalopez. Sa team ko thank you sa lahat. Sobrang salamat at binigyan nyo ng buhay ung performance and vision natin for our segments. Kudos, hope to see you guys soon!”

Hihintayin na lamang ng mga fans ni Kylie kung ano ang susunod niyang project sa GMA Network.

-NORA CALDERON