Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na pinaghahandaan na nito ang muling paglulunsad ng voter’s registration para sa midterm elections sa susunod na taon.

Ayon sa Comelec, wala pang eksaktong petsa, ngunit posibleng maipagpatuloy nila ang pagtatala ng mga bagong botante sa Hunyo o Hulyo ng taong ito.

“The system of continuing registration will resume in June or July of this year, in preparation for the #NLE2019. We will announce as soon as a definite date is set,” anang Comelec.

Nobyembre 6-30 huling nagdaos ng voter’s registration ang Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong buwan. (Mary Ann Santiago)

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'