Ni Annie Abad

CEBU CITY -- Ikinasiya ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang matagumpay na pagtatapos ng 9th edition ng Philippine National Games sa Cebu City Sports Center.

Naging maaksyon ang mga labanan sa ibat ibang larangan ng sports kung saan nagtagisan ng galing ang mga National team members at ang mga local athletes bitbit ang karangalan para sa kani-kanilang mga Local Government Units (LGUs).

“We’d like to thank everyone who participated and made this event a success,” pahayag ni Ramirez. “We are expecting more LGUs to join next year,” aniya.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Pinagharian ng host City na Cebu ang medal tally matapos nitong manguna sa iba’t ibang sports gaya ng dance sports, athletics, swimming, karatedo,sepak takraw at volleyball.

Bukod dito nagpakitang gilas din ang ilang miyembro ng National team na nag-uwi ng ginto gaya ni Rio Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz para sa weightlifting, OJ Delos Santos sa karatedo, John Paul Marton de LA Cruz sa archery, Janella Mae Frayna sa chess, at Marella Salamat sa cycling.

Bagama’t may ilan din na hindi pinalad kung saan nasilat sila ng mga local athletes.

Magkakamit ng kabuuang P10 milyon ang kampeon na LGU matapos dagdagan ng P5 milyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibibigay ng PSC.