CEBU CITY – Tinalo ni Grandmaster John Paul Gomez ng Albay Province si overnight solo leader International Master Paulo Bersamina (ELO 2413) ng Tandag City para makopo ang solong liderato matapos ang Round 6 ng 2018 Philippine National Games (PNG) Chess Championships, Standard Open Competition kahapon dito sa Robinson Galleria Cebu.

Ang top-ranked na si Gomez, may ELO rating 2461 at suportado ang kampanya ni Albay Gov. Al Francis C. Bichara, ay nanopresa kay Bersamina matapos mag-desisyon na isulong ang King’s Pawn Game o e4 opening hindi ang madalas niyang ginagamit na Queen’s Pawn game o d4 opening kung saan malakas ang paggamit niya ng puting piyesa para padapain ang eight-ranked na karibal (ELO 2416) sa 25 pushes ng Sicilian skirmish.

Dahil sa panalo, nasikwat ni Gomez ang pangkahalatang liderato na may 5.5 points, kalahating puntos ang lamang kina Bersamina, seventh-ranked International Master Jan Emmanuel Garcia (ELO 2422) ng Manila at ninth-ranked Grandmaster Darwin Laylo (ELO 2400) ng Marikina City.

Kinaldag ni Garcia si International Master Kim Steven Yap (ELO 2363) ng Cebu Province sa 37 moves ng Evans Gambit, habang pinayuko naman ni Laylo si National Master Edsel Montoya (ELO 2294) ng Cebu City sa 31 moves ng Caro-Kann defense.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa fifth round, panalo si Bersamina kay Laylo, pinigil ni Gomez si National Master John Merill Jacutina (ELO 2099) ng Manila at namayani si Garcia kay Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. (ELO 2151) ng Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Nakatutok din sa medal race sina 13-time Philippine Open Champion at second-ranked Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. (ELO 2452) ng Calapan, Oriental Mindoro matapos ibasura si National Master Joey Albert Florendo (ELO 2131) ng Zamboanga City sa 31 moves ng Caro-Kann defense tungo sa 4.5 puntos at mapuwersa sa five-way tie sa fifth place kasama sina Jacutina, Grandmaster Jayson Gonzales (ELO) ng Albay, Province, Jay Bulicatin ng Panabo at Jhonnel Balquin ng Cagayan de Oro City.

Nakabalik sa kontensiyon si Jacutina matapos gulatin si International Master Oliver Dimakiling (ELO 2441) ng Davao City sa 75 moves ng Trompovsky Opening, si Gonzales, isa pang top player ni Albay Gov. Al Francis C. Bichara ay dinurog si National Master Alexander Lupian (ELO2277) sa 34 moves ng Queen’s Pawn Game, ginulat ni Bulicatin si National Master Jerad Docena (ELO 2430) ng Manila at nangibabaw naman si Balquin kay Jayson Salubre (ELO 2286) ng Davao del Norte sa 43 moves ng Modern defense.

Sa distaff side, panalo si No.2 seed Woman International Master Catherine Perena-Secopito (ELO 2120) ng Bulacan kay overnight co-leader top seed Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna (ELO 2304) ng Albay Province sa 44 moves ng Modern defense para makopo ang solong liderato na may 5.5 points sa six outings.