GenSan at Cebu City, ratsada sa PNG leaderboard

CEBU CITY -- Gitgitan sa pagkopo ng gintong medalya ang mga pambato ng General Santos City, Cebu City, Koronadal City at Tacloban City para pangunahan ang medal standings sa ikalawang araw ng 9th Philippine National Games (PNG) sa Cebu City Sports Center dito.

Nagbigay ng karagdagang gintong medalya si Ninyo Owen Camilo LA Torre para sa GenSan matapos pangunahan ang Boys 16 over 400 Individual Medley sa 5:08.81.

Tinalo ni Torre sina La Union Province bet Antonio Aquino IV (5:13.93) habang pumangatlo naman si Nicolai Chiong sa kanyang 5:16.73 na marka.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa girls 16 Over 400 individual medley, nagreyna ang isa pang pambato ng GenSan na si Kelsey Claire Jaudian sa naisumiteng oras na 5:37.46 kasunod ang pambato ng La Union Province na si Precilla Aquino na may 5:44.31 at ikatlo si Karen Mae Indaya ng Cebu City na may 5:53.20.

Sa ibang resulta, nakopo ni Samuel John Alcos ng Davao City ang ginto para boys 16 over 50 m Breaststroke, na tumapos ng 30.97 sa orasan.

Nanguna naman si Charllyn Allysa Romanos ng Bohol City sa girls 16 over 50 m Breaststroke na nagtala ng 37.68.

Kasalukuyang naglalaro naman para sa finals ng 1,500m run ang dating National Team member na si Christabel Martes ng Baguio City.

Target ni Martes na nakuha ang kanyang ikatlong gintong medalya sa multi sports event gayung habang isinusulat ang balitang ito ay sumasabak din siya sa kanyang 5000m run na event.

-ANNIE ABAD