MATAGUMPAY ang pagbubukas ng pinakabagong installment ng Deadpool. Tumabo ang Deadpool 2, ng 20th Century Fox, ng tinatayang $125 million sa mga sinehan sa North American at malaki rin sa ibang bansa, lahad ng Exhibitor Relations nitong Linggo.
Kumita ang Marvel Comics film ng $176 million abroad, ang pinaka malaking foreign debut para sa isang R-rated title, ayon sa Hollywood Reporter.
Tampok sa pelikula si Ryan Reynolds na gumaganap sa foul-mouthed at irreverent na title character, na bumuo ng X-Force team upang ipagtanggol ang mga batang mutant mula kay evil Cable (Josh Brolin).
Para sa isang uber-bad guy, maganda ang naging linggo ni Brolin. Gumanap din siya bilang world-destroying villain na si Thanos sa Avengers: Infinity War, na nanguna sa North American ticket sales bago ito naungusan ng Deadpool.
Namamayagpag pa rin sa pangalawang puwesto ang Avengers – na pinagbibidahan nina Robert Downey Jr., Benedict Cumberbatch, Scarlett Johansson at Chris Hemsworth – na kumita ng $28.7 million sa sa three-day weekend, kaya tumabo na ito ng kabuuang $1.8 billion.
Pumangatlo ang bagong rom-com na Book Club ng Paramount na kumita ng $12.5 million.
Pang-apat ang Life of the Party, ng Warner Bros. comedy, sa $7.7 million.
Panglima ang thriller na Breaking In ng Universal na kumita na ng $6.5 million.
Pasok sa top 10 ang Show Dogs ($6 million), Overboard ($4.7 million), A Quiet Place ($4 million), Rampage ($1.5 million)
At RBG ($1.3 million).
-Agence France-Presse