IGINIIT ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes na naaayon sa batas ang ginawang nilang pagpapasara sa ‘Peryahan ng Bayan’ na inooperate ng Globaltech Mobile Online Gaming Corporation sa Bacolod City.

“The peryahan being operated by Globaltech in some parts of the country is illegal and must be closed,” pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

“This is plainly harassment,” sambit ni Balutan, patungkol sa kasong isinampa ng kumpanya laban sa tauhan ng PCSO na si Executive Assistant VI Manuel Fraginal Sr.

Pinangunahan ni Fraginal ang grupo ng PCSO na nagsagawa ng pagpapasara sa Globaltech nitong Abril, batay na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte sa ilalim ng

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Executive Order No. 13 para sa all-out war ;aban sa illegal gambling.

“The EO aims to strengthen the fight against illegal gambling and clarifying the jurisdiction of concerned agencies in the regulation and licensing of gambling and online gaming facilities,” pahayag ni Balutan.

Noong 2016, ipinatigil ng PCSO ang Globaltech’s Deed of Authority para mag-operate ng peryahan. Sa record ng PCSO, may P100 milyon na unremitted revenues ang kumpanya.

Nitong October 2017, ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court (RTC), Branch 161, ang prayer ng Globaltech para sa Writ of Injunction.

“PCSO has not authorized any other entity to operate peryahan. Any operation of peryahan is unauthorized and illegal,” sambit ni Balutan.