MAGKASAMA palang nanood ng pelikulang Kasal sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa isang mall sa Quezon City base sa ipinadalang mga litrato ng source ni Bossing DMB nitong Huwebes ng gabi.

HERBERT AT KRIS_MAGANG MATA PAGLABAS copy

Hindi malinaw kung ipinasara ng kampo ni Kris ang sinehan pero sa mga litratong nakita namin ay sina Kris at Bistek lang ang nasa loob ng sinehan kasama ang kanya-kanyang personal bodyguards at staff.

Nasabi ni Kris sa huling interview namin sa kanya sa dinner na ipinag-imbita niya na panonoorin niya ang Kasal bilang suporta kay Bea Alonzo, na isa sa closest friends niya na bida sa pelikula, katambal sina Paulo Avelino at Derek Ramsay bilang suporta sa kanila at sa 25thanniversary ng Star Cinema. Pero hindi niya nabanggit na makakasama niya si Mayor Herbert.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Maging sa post ni Kris sa Instagram pagkatapos nilang manood ay hindi niya binanggit si Mayor HB, puro tungkol sa pelikula lang ang ikinuwento niya:

“After seeing the trailer of KASAL, I texted @beaalonzo & promised her regardless of how busy, I’d make time to watch. Bonding namin ng girls of KCAP plus @jacksalvador, @alvingagui, @jonathanvelasco__ & DOP Shayne Sarte after our shoots for @unilab ang manood tonight. Okay, to start Bincai & I finished all our Kleenex.

“Bravo to my friend @krizgazmen for a heart wrenching story BUT the direction of @rekdibayani was just SUPERB! I felt so immersed in the beauty of Cebu. @ramsayderek07 was cunning, it’s depth of talent to be so convincing an a**hole on screen. @pauavelino, he made me FALL IN LOVE w/ his portrayal of Philip, he was so real & wounded, I just wanted to embrace him. I am a 100% BELIEVER in his immense GIFT to fully embody the complexities within all of us. BEA as Lia was pure in her honesty conveying true pain. It was raw & I cried with her because of the authenticity of seeing someone who was betrayed deeply to her very core. EVERYONE was perfectly cast.

“I was warned to not give away too much -- so I’ll end this with what made an impact on me from KASAL’s story -- Love is ACCEPTANCE, it is surrendering your romantic ideals for what is REAL -- because after all finding LOVE is not the culmination -- it is the beginning of a day to day process of encouraging, romancing, laughing, fighting, supporting, forgiving, understanding, and living. @moirarachelle you are a poet! Naka-repeat mode ngayon ang TAGPUAN. Bravo Team KASAL! It’s a must watch!”

So, kaya pala ang tsika sa amin ng mga nakakita ay namamaga ang mga mata ni Kris paglabas ng sinehan, naiyak pala siya sa eksenang kawawang-kawawa na si Bea. Si Bistek din kaya naluha rin sa eksenang iyon?

Anyway, iba’t ibang komento na ang nabasa namin simula nang pumutok ang mga litrato nina Kris at Mayor Bistek sa BALITA Online at sa online page ni Bossing DMB.

“Nanood ng Kasal, matutuloy na kaya ang kasal nina Kris at Herbert?” sabi sa isang komentong nabasa namin.

“Kailan naman ang totoong kasal?” sabi ng isa pa.

Marami ang kinikilig sa love story nina Kris at Mayor Herbert. Karamihan sa fans at supporters ni Kris, nananalangin ng lalaking makakasama na niya forever. May ilang naniniwala na si Herbert na ito.

Matatandaan na ini-reveal ni Kris last year na dalawang beses na naudlot ang kasal sana nila. Noong una, umatras si Mayor. Noong pangalawang pagyaya sa kanya, siya naman ang umayaw at may saulian pa ng singsing na ibinigay ni Bistek.

Nanliligaw nga ba uli si Mayor Herbert sa kanyang ex-girlfriend? Nasa dating stage na ba uli sila?

Naunsyami ang first at second chance para sa kanila. May third chance pa kaya?

Hmmm, kailan kaya ulit mag-iimbita ng dinner si Kris Aquino?

-REGGEE BONOAN