Arestado ang dalawang b a b a e m a k a r a a n g makumpiskahan ng halos P3 milyon halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal, kahapon ng madaling araw.

MILYUN-MILYONG DROGA! Ipinakita sa media ni Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mahigit 250 gramo ng shabu at isang kilong imported na marijuana, na nagkakahalaga ng halos P3 milyon, na nakumpiska sa dalawang babae sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal, kahapon ng madaling araw. (JUN RYAN ARAÑAS)

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Region 4-A Police Office at ng Cainta Police Drug Enforcement Team sina Laika Camille San Pedro, 25; at Maria Cecilia Baylon, 40, sa buy-bust operation sa tapat ng Q Plaza Mall dito, dakong 12:45 ng madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa awtoridad, nakuha sa mga suspek ang malaking pakete na naglalaman ng 250 gramo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P1,250,000.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

N a d i s k u b r e r i n ng awtoridad ang isang kilo ng umano’y imported marijuana, na nagkakahalaga ng P1,500,000, matapos ang buy bust.

Sinasabing ang mga suspek ay misis ng dalawang bilanggo sa Metro Manila District Jail na nahaharap din sa kaso ng ilegal na droga, base sa impormasyong nakuha sa PRO-4 A.

-NELSON B. ANDRADE