Binalaan kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng partikular na mga produkto ng Belgian beer na Stella Artois, dahil sa posibilidad na mayroon itong mga bubog o maliliit na bahagi ng bote.

Batay sa FDA Advisory 2018-169, partikular na tinukoy ng ahensiya ang ilang batch ng 330-milliliter bottles ng Stella Artois beer, na may best before stamps na Abril 25 at 26; Hunyo 3; at Setyembre 15 at 16, na una nang ipinabawi ng manufacturer nito at ng local distributor na Booze On-Line Inc..

Nabatid na wala pa rin namang consumer na nagreklamo laban sa produkto, ngunit nagpasya na ang manufacturer na ipa-recall ito para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

-Mary Ann Santiago
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!