Ni Jun Fabon

Nanawagan kahapon si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na magkaisa at magtulungan upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan ng halalan bukas.

Sa kanyang mensahe sa inagurasyon ng four-storey school building sa Ismael Mathay Sr. High School sa Barangay Sangandaan, tahasang hinimok ni Bautista ang lahat ng kandidato sa 142 barangay sa lungsod na makipagtulungan para sa payapa at maayos na halalan.

Una nang lumagda sa peace covenant ang mga kandidato sa siyudad.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter