Ni Mary Ann Santiago

ISINAGAWA kahapon ang charity race na sponsored ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) sa Manila Jockey Club Inc., sa San Lazaro Leisure & Business Park sa Lantic, Carmona, Cavite.Ayon kay Dr. Andrew Buencamino, Executive Director III ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM), ang charity race ay may guaranteed na P180,000 na premyo na ibibigay sa may ari ng mananalong kabayo.

Taos-puso namang nagpapasalamat si Mer Layson, presidente ng MPDPC, sa walang sawang pagtulong ng PHILRACOM, partikular na kay Chairman Andrew Sanchez, sa iba’t-ibang proyekto ng mga mamahayag na kumokober ng MPD at Manila area.

Kabilang na sa mga naturang proyekto ang pagsasagawa ng Medical and Dental Programs, Bloodletting, Feeding Mission at Office Renovation.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA