NBA ‘Coach of the Year’ Dwane Casey, kinalos ng Toronto Raptors

TORONTO (AP) — Hinirang na ‘Coach of the Year’ ng National Basketball Association (NBA) si Toronto coach Dwane Casey. Ngunit, sa mata ng Raptors management, wala itong silbi sa organisasyon.

dwane-casey

Ipinahayag ni Toronto President Masai Ujiri na sinibak ng Raptors nitong Biyernes (Sabado sa Manila) bilang coach si Casey, ilang araw matapos mawalis ang Canada-based squad sa Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference semifinals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinapos ng Raptors ang regular season na No.1 sa East, tangan ang 59 panalo.

“It was a very difficult but necessary step,” pahayag ni Ujiri.

Tangan ng 61-anyos na si Casey ang 320-238 record sa pitong season sa Raptors para tanghaling ‘franchise winningest coach’.

Sa gabay ni Casey, napagwagihan ng Raptors ang apat na Atlantic Division titles at nakausad sa postseason sa limang sunod na season. Ngunit, patuloy na dinudugo ang Raptors sa playoffs laban sa Cavaliers at kay LeBron James.

“As a team, we are constantly trying to grow and improve in order to get to the next level,” pahayag ni Ujiri sa opisyal na pahayag na ipinamigay sa media.

Pinasalamat ni Ujiri si Casey sa kanyang naging kontribusyon sa organisasyon. “He is instrumental in creating the identity and culture of who we are as a team,” aniya.

Ayon sa ulat, nagkausap nang masinsinan sina Uriji at Casey nitong Miyerkules kung saan ipinarating ni Uriji ang saloobin ng management na aniya’y “absolutely disappointed” sa naging kampanya sa playoff.

Maging si Raptors guard Kyle Lowry ay tahasang nagpahayag ng pagkadismaya sa kanilang kampanya na tinukoy niyang “wasted year”.

“We felt like we could possibly make the NBA Finals. That was our goal,” aniya.