Ni NITZ MIRALLES

HINDI dinedma ng mom ni Bea Binene na si Carina ang tanong ng isang netizen kung kailan daw aaminin nina Bea at Alden Richards ang kanilang relasyon.

ALDEN copy

Sinagot ito ni Carina, pati na ang tanong kung bakit itinatago nina Alden at Bea ang kanilang relasyon.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Ang cute mo, kulang ka siguro sa pagmamahal ng magulang mo:) Sagutin mo tanong mo. Gumagawa ka ng salita na ikaw lang may alam:),” tugon ni Carina.

Pero si Bea, deadma sa pagli-link sa kanila ni Alden na matagal na niyang kaibigan, mula pa noong mag-guest si Alden sa Tween Academy movie ng grupo ng Tween Hearts. Grupo silang umaakyat ng bundok kasama sina Kristoffer Martin at Rodjun Cruz at kung minsan ay nagdi-dinner. Pero ngayon lang sila naging isyu ni Alden?

Hindi nga alam ng mga reporter na may relasyon sina Alden at Bea, kaya walang nagsusulat at hindi nare-report. Parang ‘yung isyu kay Patricia Tumulak na dahil hindi rin totoo kaya wala ring nangyari, hanggang tsika lang.

Umingay ang isyu kina Alden at Bea dahil sa red roses na ipino-post ni Bea na ipinapadala sa kanya ng obviously ay manliligaw o boyfriend. Dini-dare siya na pangalan ang nagpapadala ng flowers para raw matigil na ang isyu sa kanila ni Alden.

Paano kung may usapan ang guy at si Bea na itatago muna ang identity nito? Sisirain na lang ni Bea ang usapan nila para lang mapagbigyan ang nang-ookray sa kanya?