Ipinagharap ng reklamong rape ang isang ama matapos umanong gahasain ang 14-anyos niyang anak na babae sa Barangay Cabua-an, Maddela, Quirino.
Labing-apat na taong gulang ang biktima na nagreklamo laban sa 33-anyos niyang ama, kapwa residente ng Bgy. Cabua-an, Maddela, Quirino.
Ayon sa report, hinimok ng ama ang anak na pumasok sa kuwarto sa pagsasabing bibigyan niya ito ng pera.
Gayunman, hindi inakala ng dalagita na hahalayin siya ng ama sa nasabing silid. (Liezle Basa Iñigo)