Ni Light A. Nolasco
GUIMBA, Nueva Ecija - Nahaharap sa paglabag sa Anti-Cattle Rustling Law ang isang umano’y ahente ng kalabaw na nakabili ng nakaw na hayop at naaresto nitong Linggo ng umaga.
Sa follow-up operation ng Guimba Police, natunton ang nawawalang kalabaw ng nagreklamong si Edward Valeroso y Hilario, 37, ng Science City of Muñoz, hanggang nadiskubre sa pag-iingat ni Vergil Palilio, carabao agent.
Nabatid na ang kalabaw ni Valeroso ay ibinenta ni Joselito Paez y Posadas, 47, ng Barangay III, Quezon, Nueva Ecija makaraang mabili mula kay Mark Domingo, ng Bgy. Manacsac, Guimba.
Nabawi ng pulisya ang kalabaw ni Valeroso, habang kinasuhan naman si Paez ng paglabag sa Anti-Cattle Rustling Law (PD 533).