Ni Bella Gamotea

Patay ang isang lalaki makaraang hatawin ng kahoy sa ulo ng kanyang kapitbahay habang nag-iinuman sila sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Las Piñas General Hospital si Noel Espelimbergo y Bañez, 49, may asawa, ng TS Cruz Subdivision, Barangay Almanza 2, dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na kinilalang si Melvin Reoganes, 35, kapitbahay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), dakong 1:00 ng umaga nang nangyari ang insidente sa Jasmin Street sa Bgy. Almanza 2.

B a t a y s a i n i s y a l n a imbestigasyon, nakikipag-inuman si Espelimbergo sa isa pang lalaki sa lugar nang sumali sa kanila si Reoganes.

Makalipas ang ilang sandali ay bumili ng sigarilyo ang isa pang kainuman at pagbalik niya ay nakita niya umanong hinahataw ni Reoganes ng kahoy ang ulo ng biktima, na duguang bumagsak sa lupa.

Tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima, pero namatay rin ito.