Ni Ariel Fernandez

Maaari nang ma-refund ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang P550 terminal fee na siningil sa kanila, sa alinmang airline counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula kahapon, Abril 30, 2018.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na inilabas ang abiso para sa pagbabalik ng P550 terminal fee sa mga OFW at mga locally-recognized na pasahero simula 12:01 ng umaga kahapon.

Para sa mga bumili ng ticket bago ang Abril 30, 2017, isasagawa ang refund simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa MIAA Collection Administration Buiding.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Habang ang mga ticket na binili pagkatapos ng Abril 30, 2017 ay maaaring ma-refund sa mga check-in counter sa araw ng pag-alis. May itinalaga rin na airline staff para sa pagpoproseso ng partikular na transaksiyon.

Sa mga OFW naman na bumuli ng ticket matapos ang Abril 30, 2017, kailangang makipagtransaksyon sa mga counter, ipakita ang ticket at kopya ng exemption certificate at boarding pass.