Ni Bella Gamotea

Dahil umano sa sakit sa kidney, nagpakamatay ang isang senior citizen Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Max Maniaol y Rivera, 67, ng Block 28 Lot 8, Madrigal Compound, Barangay Daniel Fajardo ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nadiskubre ni Elma Maniaol, anak ni Max, ang biktima na nakabigti at wala nang buhay sa gate ng kanilang bahay, dakong 2:30 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Elma, mayroong kidney disorder at sumasailalim sa dialysis treatment ang kanyang ama.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang 11:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may foul play sa insidente.