Ni Orly L. Barcala

Sa kamay ng sariling kadugo nalagay sa balag na alanganin ang buhay ng isang construction worker nang bugbugin ng dalawang nakababatang kapatid sa Valenzuela City, kahapon ng hatinggabi.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center si Gilbert Galvan, 42, ng Barangay Lakbayan, San Narciso Street, Quezon Province.

Namamaga ang dalawang mata, sabog ang nguso at may anim na tahi sa ulo si Gilbert makaraang pagtulungan ng kanyang mga kapatid na sina Ronelo, 35; at Albert Galvan, 37, kapwa ng Quezon Province.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay PO3 Roberto T. Medrano, Jr., ng Station Investigation Unit (SIU), umiinom sa barracks ang magkakapatid na Galvan sa Jupiter Street, F. Santiago, Bgy. Parada, dakong 8:00 ng gabi.

Tumayo sina Gilbert at Albert at nagpunta sa kanilang mga kasamahan sa kabilang barracks sa compound ding iyon, at nakipagsugal ng pusoy sa kapwa nila trabahador.

“Talo yata ‘yung mag-utol kaya bumalik uli sa kanilang barracks at itinuloy na lang ang pag-inom,” ani PO3 Medrano.

Pagsapit ng 12:00 ng hatinggabi, biglang nagtalo sina Albert at Gilbert hinggil sa kanilang pagsusugal hanggang sa magalit si Albert at sinuntok si Gilbert.

Hindi pa nasiyahan ang suspek, kumuha ito ng bato at ipinukpok sa ulo ng kapatid.

S a h a l i p n a a w a t i n , pinagsusuntok ni Ronelo si Gilbert at naawat lamang ang gulo nang dumating ang mga tauhan ng PCP 10 at inaresto sina Ronelo at Albert.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang mga suspek.