NEW YORK (Reuters) – Nakalaya na sa kulungan ang aktres na si Allison Mack makaraan siyang magpiyansa ng $5 million nitong Martes habang naghihintay ng kanyang trial hinggil sa pagrere-recruit umano niya ng mga babae para magsilbing sex slaves, sa tinawag ng mga prosecutors na secret society na pinatatakbo ng guru na si Keith Raniere.

Allison (pa crop po) copy

Pinalaya ng isang U.S. magistrate judge si Mack, na kilala sa kanyang pagganap sa Smallville series ng WB Television, makaraang pumayag ang mga magulang ni Mack na gawing collateral ang bahay ng pamilya sa Los Alamitos, California, at pumayag din si Mack, 35, na tumira kasama ang kanyang mga magulang sa ilalim ng house arrest.

Kinasuhan ng federal prosecutors sa New York si Mack ng sex trafficking at conspiracy sa pagre-recruit ng kababaihan para sumanib sa organisasyon ni Raniere sa Albany, New York na tinatawag na Nxivm, ngunit pinapalabas na ito ay female mentorship group. Napag-alaman na malaki ang tungkulin sa grupo ni Mack, na nag-plead ng not guilty.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ayon sa mga prosecutor at abogado ni Mack sa court filing, nakikipagnegosasyon na ng apela ang dalawang panig.

Inaresto si Raniere, 57, sa kaso ng sex trafficking noong nakaraang buwan, at ikinulong nang walang kaukulang piyansa.

Nagtakda si U.S. Magistrate Judge Viktor Pohorelsky ng Brooklyn ng mga kondisyon na nagbabawal kay Mack na makipag-ugnayan kay Raniere, sa Nxivm o sa kahit na sinong kasapi ng organisasyon.

Inakusahan ng mga awtoridad si Raniere na nagpapatakbo ng secret society sa pangalang Nxivm (pronounced “Nexium”), kung saan ang kababaihan na tinatakan ng kanyang initials, ay isasailalim sa extremely restrictive diets at puwersahang makikipagtalik sa kanya.

Upang makasapi, ang mga miyembro, na umabot na ng 50, ay kailangang magbigay ng impormasyon tungkol sa kanilang pamilya at kaibigan, magbigay ng mga hubad na larawan at karapatan sa kanilang ari-arian, na ginagamit na pang-blackmail sa mga ito para manatili sa asosasyon, ayon sa mga prosecutor.

Tinuruan ang kababaihang ito na bibigyan sila ng lipunan ng kapangyarihan, lahad pa ng prosecutors.

Sa website ng Nxivm, tinawag nito ang “a community guided by humanitarian principles that seek to empower people and answer important questions about what it means to be human.”

Sinabi ni Raniere na siya ay “deeply saddened” at itinanggi niya ang akusasyon ng “abusing, coercing or harming” sa kahit sinuman sa liham na kanyang ipinost sa site.

Samantala, inihayag naman ni Marc Agnifilo, abogado para kay Raniere, nitong buwan na siya ay “confident these allegations will be soundly disproven.”