Ni Mary Ann Santiago

Tulad ng inaasahan, dumagsa sa mga lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga naghain ng kani-kanilang kandidatura sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14.

Sa Comelec office sa Arroceros Street sa Ermita, Maynila, ilan sa mga kandidato ay Huwebes ng gabi pa pumila matapos na hindi umabot sa 5:00 ng hapon na deadline, habang ang iba naman ay bumalik na lang kahapon ng madaling araw upang matiyak na makapaghahain sila ng kandidatura.

Ayon sa ibang kandidato, sinadya nilang maghain ng COC sa huling araw dahil sa paniniwala sa pamahiin na nasa huling araw ang suwerte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang iba naman ay Huwebes ng gabi lamang nakapagdesisyong kakandidato, kaya kahapon lang naghain ng COC.

Dakong 5:00 ng hapon kahapon ay nagsara na ang mga tanggapan ng Comelec, at hindi na tumanggap ng COC.

Muling nanindigan kahapon ang Comelec na hindi ito magpapatupad ng extension sa COC filing.

Itinakda naman sa Mayo 4-12 ang campaign period.