Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2:00 n.h. -- FEU vs Ateneo (M)

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

4:00 n.h. -- FEU vs Ateneo (W)

NAKAMIT ang inaasam na twice-to-beat advantage, sisikapin ng second seed at season host Far Eastern University na hindi masayang ang nakamit na tsansa na makabalik sa kampeonato.

Ito ang misyon ng FEU Lady Tamaraws sa pagsalang nila ngayong hapon kontra third seed at finalist sa nakaraang apat na seasons na Ateneo de Manila University Lady Eagles sa pagbubukas ng Final Four round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala ng tatlong sunod na panalo ang Lady Tams sa pagtatapos ng second round upang makamit ang ikalawang twice-to-beat bonus.

Gayunman, sa halip na ma-pressure sa kanilang misyong makabalik ng finals, nais ng Lady Tams na mas hamunin pa ang kanilang sarili upang mailabas pa ang kanilang makakaya.

“Masaya kami na natapos namin yung second round, na naipanalo namin ang last three games namin,” ani Lady Tamaraws graduating skipper Bernadeth Pons.

“So china-challenge namin palagi ang sarili namin, kung ano ‘yung mga dapat naming gawin, kung ano ang role namin sa team,” aniya.

Bukod sa pressure, hindi rin iniisip ng Lady Tamaraws ang mga pagkakataong magwagi ng individual awards dahil mas gusto nilang mapanalunan ang tropeo higit sa lahat.

Huling nagkampeon ang FEU sa UAAP women’s volleyball noong Season 70 at huling nakatuntong ng Finals noong Season 71.

Aminado naman ang Lady Eagles na hindi maganda ang kanilang inilaro sa kanilang nakaraang apat na laban kabilang ang huling dalawang talo sa University of the Philippines at De La Salle.

“We’ve been playing bad for the past four games. For us, I guess kailangan naming mag regroup,” pahayag ni Lady Eagles captain Maddie Madayag.

Mauuna rito, parehas ang sitwasyon ang duwelo sa men’s class kung saan kailangang gapiin ng defending champion Ateneo ang FEU upang makabalik sa kampeonato.