ILALARGA ang ikaapat at huling Regional Selection Camp ng Jr. NBA Philippines, sa pakikipagtulungan ng Alaska, ngayong weekend sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

Inaasahang dadagsain ang on-site registration para makahabol sa taunang programa para sa kabataan na may edad 10-14. Bukod sa talent, nakabase rina ng pagpili sa mga natatanging kabataan sa ipinamalas na character batay sa S.T.A.R values of Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

Nauna nang nakapili ng mga kalahok sa isinagawang elimination sa Metro Manila, Bacolod, Butuan at Benguet.

Libre ang pagpapatala ng lahok, ayon sa organizers.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pangungunahan ni Jr. NBA head coach Carlos Barroca ang pagsasanay sa mga kahaok kasama sina PBA Legends Jeffrey Cariaso at Tony dela Cruz. Ang mga mapipili ay makakasama ng iba pang nakasama sa regional elimination para sa National Training Camp sa May 18-20.

Maaaring magpatala ng lahok sa www.jrnba.asia, gayundinsa gacebook sa NBA on Facebook ant Twitter at NBA at www.nba.com