KATHMANDU (AFP) - Isinarado ang isang paliparan sa Kathmandu nitong Biyernes matapos hindi magtake-off at sumadsad sa runway ang isang Malaysian jet na may lulang 139 na pasahero.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit inilihis muna ang mga parating na eroplano habang sinusubukang tanggalin ng awtoridad ang Malindo Airlines Boeing 737 na nabara sa putik.

Hindi pa alam kung hanggang kailan isasara ang Tribhuyan Airport, na nag-iisang international airport sa Nepal.

Ayon kay airport spokesman Prem Nath Thakur, papalipad pa lamang ang Malaysian carrier patungong Kuala Lumpur nang mapansin ng piloto ang problema kaya’t inihinto nito ang pagtake-off.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'