NEW YORK (Reuters) – Plano ng New York na ibalik ang karapatan sa pagboto ng 35,000 kriminal na may parole na una nang pinagbawalang bumoto hanggang sa makumpleto ang kanilang parole, sinabi ni Governor Andrew Cuomo nitong Miyerkules.

Mag-iisyu si Cuomo ng executive order para muling mabalik ang karapatan sa pagboto ng mga kriminal na may parole maging ang mga pumapasok sa parole system buwan-buwan, ayon sa tagapagsalita.

“They work, pay taxes, and support their families, and they should be permitted to express their opinions about the choices facing their communities through their votes, just as all citizens do,” sabi ni Cuomo sa isang pahayag.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'