PANGUNGUNAHAN ng tambalan nina Fide Master Narquingden “Arden” Reyes at Philippine Executive Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang mga paboritong kalahok sa pagtatangka sa top honors sa 6th Red Kings Chess Tournament na tinampukang Open Doubles Team Chess Championship sa Sabado sa Multipurpose Hall, Meralco Fitness Center, Meralco Compound, Ortigas Avenue sa Pasig City.

Ang Registration ay magsisimula ganap na 8:00 hanggang 9:30 ng umaga.

Kakatawanin nina Reyes at Orbe ang Atty.Orbe Chess Team sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament na may naghihintay na P14,000 sa winning team, ayon kay tournament organizer Fide Master Nelson “Elo” Mariano III.

Sasabak din ang Mariano Wagmanna team sina Grandmaster Darwin Laylo at Francis Parro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magiging kakampi naman ni 13-times Philippine Open champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr.si Laurence Wilfred “Larry” Dumadag para sa Team Dumadag Uno.

Sina Fide Master Nelson “Elo” Mariano III at Jaymarc Gutierrez ang seselyo sa second team ng Team Dumadag Dos habang ang tandem nina Fide Master (FM) David Elorta at Nelman Lagutin ang gagabay naman sa third team para sa Team Dumadag Tres.

Ang pambato naman ng UST Army chess team ay sina International Master (IM) Ronald Dableo at Samson Lim Jr. habang makaka agapay naman ni Fide Master (FM) Mari Joseph Logizesthai Turqueza si Mark Anthony Mallari Yabut para sa M.A Yabut Realty Tandem.