Tinanggal ni Pangulong Duterte si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. bilang chairman ng National Food Authority (NFA) Council, kasabay ng pagbabalik sa NFA sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Lumikha rin ang Pangulo ng bagong komite na mangangasiwa at magpapatupad ng rice importation program, na gagawin alinsunod sa government-to-government scheme.

Ito ang napagkasunduan nang pangunahan ng Pangulo nitong Lunes ang pulong ng NFA Council sa Malacañang, sa layuning matiyak ang sapat na supply ng bigas sa bansa.

Isinagawa ang reorganization sa NFA kasunod ng hindi pagkakasundo sa pagitan nina Evasco at NFA Administrator Jason Aquino tungkol sa pag-aangkat ng bigas, presyuhan sa pagbili ng palay, at iba pa.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros