Ni Gilbert Espeña
ALANGANIN pa rin si eight-division world champion Manny Pacquiao kung tuluyan na niyang ibabasura ang serbisyo ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa kanyang nalalapit na laban kay Argentinian WBA welterweight champion Lucas Matthyse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa post ng 39-anyos na Pambansang Kamao sa Instagram, magpapasya siya sa linggong ito at kaagad niyang ipababatid kay Roach ang kanyang desisyon.
“I will make a final decision within the week. When that decision is made, Freddie will be the first one to be informed, and then I will advise the media,” pahayag ni Pacquiao sa kanyang post sa Instagram.
Nauna rito, naglabas ng pahayag si Roach sa media na masama ang loob kay Pacquiao sa hindi personal na pagsasabi sa kanya ng desisyon nitong hindi kunin ang kanyang serbisyo.
“I would be lying if I didn’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact me personally about his decision,” sabi ni Roach sa kanyang opisyal na pahayag na ipinamigay sa media outlets. “But the great times we enjoyed together far outweigh that.”
“Contrary to statements which I personally did not make that are circulating in the media, I have not made my final decision who will be my head trainer for my July 14 fight with Matthyse,” ani Pacquiao.
Nilinaw din niya na ang kanyang tagapayo na si Canadian Michael Koncz ang nakikipag-ugnayan kay Roach.
Ang laban ni Pacquiao kay Matthyse na darating bukas sa Maynila kasama ang promoter nitong si Golden Boy Promotions big boss Oscar de la Hoya ang pinakamalaking laban sa Kuala Lumpur mula nang talunin ni Muhammad Ali si Briton Joe Bugner noong 1975 para sa world heavyweight title.
Ito ang unang papel ni Pacquiao bilang promoter sa sagupaang tiyak na panonoorin ng buong mundo lalo’t nangako si Matthyse na pagreretiruhin na siya sa pagpapatulog sa Pilipino sa kanilang kampeonato.