MINNEAPOLIS (AP) – Daan-daang pasahero mula Minnesota na na-stranded sa Mexico matapos kanselahin ng Sun Country Airlines ang operasyon nito, ang napilitang humanap ng ibang airline upang makauwi, makaraang tapusin ng kumpanya ang seasonal service nito sa Mexico.

Sinabi ng Sun Country na nakabase sa Eagan, Minnesota na ang nakanselang flight mula Los Cabos, Mexico patungong Mazatlan ang huling biyahe ng eroplano.

Ayon kay Kelsey Dodson-Smith, tagapagsalita ng Sun Country, hindi makapagpapadala ng eroplano ang kumpanya upang maisakay ang mga istranded na mga pasahero dahil maaantala umano ang ibang mga biyahe sa ibang destinasyon.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Nangako naman ng refund ang kumpanya para sa mga pasahero.