palaro copy

Gallery of Athletes’, simbolo ng pagiging institusyon ng Palarong Pambansa

Ni ANNIE ABAD

VIGAN CITY, Ilocos Sur — Tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga batang atleta ang mga larawan ng mga tinaguriang ‘Palaro legends’ at ang kanilang tagumpay sa sports ang siyang pamantayan ng mga sumisikat na atleta na inaasahang magiging bahagi ng Philippine Team sa hinaharap.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Before, ganoon din naman yung focus namin. Ma-emulate yung achievement ng mga idolo naming atleta. Basta, magsipag sa ensayo at gawing dibdiban ang training, makukuha rin ng mga batang atleta ang kanilang minimithi,” pahayag ni Olympian Eric Buhain, tangan ang SEA Games record na anim na gintong medalya (1991) bago nalagpasan ni Singaporea Joseph Schooling nitong 2015 SEAG edition.

Tulad ni Buhain, kabilang din sa binigyan ng pagkilala sa ‘Gallery of Athletes’ sa pagbubukas ng 2018 Palaro sa Ilocos Sur, sina SEA Games long jump record holder Elma Muros- Posadas, bowling great Paeng Nepomuceno, Olympic boxing silver medalist Onyok Velasco, Rio Olympcis weightlifting silver winner Hidilyn Diaz at Asia’s ‘Sprint Queen’ Lydia de Vega.

Ang Singapore-based sprinter na si De Vega ay tumanggap din ng ‘Lifetime Achievement Award’ mula sa Department of Education sa opening ceremony ng Palaro kahapon sa President Elpidio Quirino Stadium.

Ang anak na sina Stephanie Mercado, member ng La Salle volleyball team, at Jonathan ang tumanggap ng naturang parangal para sa kanilang ina na bahagi sa kasalukuyang ng Singapore Sports Institute.

Inilagay ni De Vega ang Pilipinas sa world athletics map nang dominahin ang 100m at 200m event sa 1983 at 1987 Asian Athletics Championship, gayundin noong 1982 at 1986 Asian Games.

Tinanghal din siyang kampeon sa sa 100m, 200m. 400m at long jump sa siyam na edisyon ng Southeast Asian Games.

Samantala, pormal nang inanunsiyo kahapon ng DepED na ang Davao City ang magho-host ng Palarong Pambansa sa taong 2019.

Ito ay matapos na magwagi sa bidding ang tropa ng Davao City kontra sa mga nagtangka rin na maghost sa nasabing taunang Palaro para sa mga kabataan, na Misamis Occidental, General Santos at Zamboanga City.

“This is a whole-day event. We have 4 finalists and so the next Palaro next year will be held in Davao,” pahayag ni DepEd secretary Leonor Briones.

Ikinatuwa ni Davao City assistant administrator for operation na si Atty. Lawrence Bantiding ang naging resulta ng nasabing bidding, gayung matagal na umano nilang ninanais na maging host ng prestihiyosong kompetisyon.

“We are very happy with the results. Actually it is more of an assumption na sana manalo kami kasi as early as 2016 papo ang ating Mayora (Sarah Duterte-Carpio) ay nag execute na ng Executive Order for us to really prepare for the 2019 Palarong Pambansa,” pahayag ni Bantiding.

Ipinakita ng Davao sa kanilang presentasyon ang listahan ng mga gagamiting venues and ang mga bileting areas na siya nilang naging bentahe sa pagkuha ng karapatan sa hosting ng 2019 Palaro.