Ni Reggee Bonoan

HINDI na makakaulit ang kilalang direktor ng pelikula at TV commercials na makatrabaho ang isang move outfit dahil sobrang laki raw niyang maningil.

“Sobrang mahal ng talent fee niya tapos ang dami pa pala niyang patong?” kuwento ng movie producer.

“’Yung mga supplier na kinuha niya, ang laki ng patong niya, meaning tumubo siya. Hindi na nga kami tumawad sa talent fee niya maski alam namin talaga kung magkano ang TF niya kasi nagtanung-tanong din naman kami bago siya kinuha, background check kung baga.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“E, nu’ng natapos na ang movie nalaman namin sa suppliers na ang lalaki ng patong ni (direktor) kaya nagulat kami.

Imagine kung susumahin mo, ‘yung talent fee niya plus mga patong niya sa lahat ng naging triple ang kinita niya sa amin. Hindi naman ganu’n kagaling pala mag-direk,” nanlalaki ang mga matang sabi ng kausap namin.

Ito rin ang nabalitaan namin sa agent ng kumontak sa direktor para mag-direk ng mga TVC na umeere ngayon.

“Marami siyang hinihingi at mahal ang TF,” say sa amin.

Katwiran namin alam na palang mahal maningil bakit kinuha pa, siyempre marketing strategy ‘yan.

“Ang ganda kasi ng ipinadala niyang portfolio at saka maganda naman din ‘yung ibang nakita naming gawa niya, e, so sinubukan. Pero ngayon hindi na uulit,” paliwanag sa amin.

Nakagawa na rin ng TV series ang direktor na ito at balita namin ay, “pahinga muna siya. Kami ang napagod sa kanya,” sabi ng TV executive na tinanungan naman namin pagkatapos naming makausap ang aming source na movie producer.

Hindi na nagkuwento pa ang TV executive na ka-tsika namin tungkol sa direktor.