Ni REGGEE BONOAN

BAGAMAT wala pang pormal na pag-amin sina Joshua Garcia at Julia Barretto na mag kasintahan na sila ay nahuli naman ito sa mismong bibig ng aktor.

Sa guesting ng cast ng The Good Son na sina Joshua, Nash Aguas at Jerome Ponce sa Gandang Gabi Vice ay nagtanong si Vice Ganda kung sasagutin ba nila ang tawag ng girlfriend nila kung may kinukunan sila ng mabigat na eksena sa serye.

Tila wala sa loob na sumagot si Joshua ng, “Ako, hindi ko nakausap si Julia noong ginawa ko ‘yung scene.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Natawa si Jerome dahil napaamin na ni Vice si Joshua.

“Ah, si Julia ba ang girlfriend mo?” balik–tanong ni Vice. “Ang taray! Ngayon ko lang narinig ‘yan, ha, si Julia ang girlfriend mo. Oh my God, I thought all this time it’s Marjorie Barretto,” na ikinatawa na ni Joshua. “So, official na po talaga, si Julia ang girlfriend hindi si Marjorie.”

“Nagpaalam naman ako sa kanya kasi may mabigat na scene nga,” kaswal uling sabi ng aktor.

“Ngayon nag-uusap na kayo ulit?” tanong uli ni Vice. “Sinasagot n’yo na ulit ang tawag ng isa’t isa?”

Napa-“ha?” si Joshua na tila nabingi na.

Mukhang trulili na nagkaroon ng tampuhan sina Julia at Joshua bago mag-Semana Santa kaya hindi sila magkasama.

Umamin naman si Nash na wala pang girlfriend at si Jerome naman ay nakakausap ang girlfriend niyang volleyball player na si Mika Reyes at hindi sagabal dahil sa gabi ang mga eksena ng aktor sa TGS dahil nasa ensayo ang dalaga.