Ni Marivic Awitan

NAGAWANG makabalik at mag-qualify ng Batang Gilas sa FIBA World Cup ngunit naging mailap ang suwerte sa kanila sa naganap na draw para sa FIBA Under-17 World Cup na idaraos sa Argentina sa Hulyo 30 hanggang Hulyo 8.

Sa nakalipas na draw nitong Lunes, ang Batang Gilas Philippine ay napabilang sa Group D.

Ang naturang grupo ang maituturing na pinakamabigat dahil tatlo sa koponan na kasama dito ay nasa top 10 sa world rankings na kinabibilangan ng host at world No.7 Argentina, No.8 Croatia, at No.9 France.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang Batang Gilas na nag-qualify sa torneo matapos pumasok sa top 6 finishers ng nakaraang FIBA Asia Under-16 Championship, bilang no. 4 squad ay may ranggong 31st sa world rankings.

Unang makakatapat ng Batang Gilas sa pagbubukas ng torneo ang koponan ng Croatia sa Hunyo 30, bago ang France sa susunod na araw at ang Argentina sa Hulyo 3.

Kung papalarin na makalusot sa group matches, makakasagupa naman nila ang mga uusad na koponan sa Group C para sa Round of 16 knockout battles na kinabibilangan naman ng world no.3 Canada, no.33 New Zealand, at no.34 Montenegro.

Sa iba pang resulta ng draw, nagsama-sama sa Group A ang Australia, Puerto Rico, Turkey, at Dominican Republic habang magkakasama naman sa Group B ang Mali, China, United States, at Serbia..