Ni Jun Fabon

Timbuwang ang isang babae makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang armado sa loob ng tindahan nito sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station, ang biktima na si Jocelyn Palacpac, 45, tindera, ng Group 7 Sto. Niño Street, Barangay Payatas ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Hilario Nebato, naganap ang pamamaril sa tindahan ng biktima sa nasabing lugar, dakong 9:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pahayag sa awtoridad ng kapitbahay ng biktima, si Christian, nakarinig siya ng putok ng baril mula sa loob ng tindahan ni Palacpac at tuluyang nadiskubre ang ginang na naliligo sa sariling dugo.

Isinugod pa sa ospital ang biktima, ngunit hindi na ito umabot nang buhay.