Ni Mary Ann Santiago

Habang isinusulat ang balitang ito, nag-aagaw buhay ang isang lalaki makaraang ma-hit-and-run sa Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima sa nakuhang identification (ID) card na si Ferdinand Gerardo, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat ng Manila Traffic Bureau, naganap ang insidente sa Lawton Avenue sa Ermita, dakong 12:30 ng madaling araw.

Sa pahayag ng testigong si Jeffrey Esmiro, sakay siya sa UV Express nang mapansing papatawid ang biktima sa lugar at nabangga ng rumaragasang puting sports utility vehicle (SUV).

Metro

Yorme, ipinag-utos pagbabawas ng paggamit ng produktong petrolyo dahil sa banta ng gulo sa Middle East

Sa halip, aniya, na hintuan ng driver ng SUV ang biktima at dalhin sa ospital, pinaharurot ng suspek ang sasakyan sa hindi batid na direksiyon.

Agad namang rumesponde ang emergency response team at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital.

Naplakahan ang sasakyan ng suspek, ngunit hindi muna ito isinapubliko ng awtoridad.