Ni Nitz Miralles

ANG tindi pala ng crush ni Joyce Pring kay Dennis Trillo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Binibiro tuloy ang dalaga na kaya raw siguro siya pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center para laging nakikita si Dennis.

Inamin ni Joyce na matagal na niyang crush ang lead actor ng The One That Got Away. Ibig kaya sabihin kahit noong boyfriend pa niya si Sam YG, may pagnanasa na siya kay Dennis?

Laking tuwa ni Joyce nang magkaroon ng chance na ma-interview si Dennis sa set ng TOTGA para sa online show niyang All Access na mapapanood sa GMA Online Exclusives.

“Eeksena ako on the set of #TheOneThatGotAway!!! At magkakatotoo ang pangarap ko na makasama si @dennistrillo super bait super gentleman super gwapo!!! First time ko kinilig in months. Masaya pala. Na-realize ko lang nu’ng taping day na ‘yun na ready na ako ulit... charot! Saan ba makakahanap ng sarili kong Dennis?”